Matagumpay na isinagawa ang MBCRPP LGU – Compliance Assessment sa Bayan ng Indang na pinangunahan ni ๐— ๐˜‚๐—ป๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐—น ๐—˜๐—ป๐˜ƒ๐—ถ๐—ฟ๐—ผ๐—ป๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ก๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐—ฅ๐—ฒ๐˜€๐—ผ๐˜‚๐—ฟ๐—ฐ๐—ฒ๐˜€ ๐—ข๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ๐—ฟ (๐— ๐—˜๐—ก๐—ฅ๐—ข) ๐—”๐—น๐—ผ๐—ป๐—ฎ ๐— . ๐—ฌ๐—ฎ๐—ฝ.

Dinaluhan din ito nina ๐— ๐˜‚๐—ป๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐—น ๐— ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ฟ ๐—ฉ๐—ถ๐—ฟ๐—ด๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ผ ๐—™. ๐—™๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—น, ๐— ๐˜‚๐—ป๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐—น ๐—”๐—ฑ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ผ๐—ฟ ๐—”๐˜๐˜๐˜†. ๐—ฆ๐—ถ๐—บ๐—ฒ๐—ผ๐—ป ๐—š๐—ฎ๐—ฟ๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ ๐—๐—ฟ., at ๐——๐—œ๐—Ÿ๐—š ๐— ๐—Ÿ๐—š๐—ข๐—ข ๐—”๐—ป๐—ป๐—ฒ ๐—ž๐—ถ๐—บ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ๐—น๐˜† ๐—ฃ. ๐—•๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป, na nagbigay ng makabuluhang mensahe ukol sa kasalukuyang kalagayan ng ating bayan sa usaping pangkalikasan at pangangalaga sa kapaligiran.

Sinundan ito ng mabusising pagsusuri sa mga dokumento ng mga kinatawan ng OPENRO, DILG Provincial Office, Provincial Housing Development and Management Office, at DILG Regional Office, na pinangunahan ni ๐—ฃ๐——๐—ข ๐—œ๐—œ๐—œ ๐—–๐—ต๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜๐—ถ๐—ฎ๐—ป ๐——๐—ฎ๐—ฐ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐˜† at ๐—ฃ๐——๐—ข ๐—œ๐—œ ๐—”๐—น๐˜„๐˜†๐—ป๐—ป๐—ฒ ๐—”๐—น๐˜†๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐˜†. Dito ay sinuri ang mga aktibidad at inisyatiba ng LGU kaugnay sa MBCRPP.

Pagkatapos ng table assessment, nagtungo ang mga validators sa Municipal Agri-Demo Farm sa Brgy. Banaba Lejos upang obserbahan ang mga aktwal na mekanismo at hakbang ng MENRO sa maayos, sistematiko, at ligtas na pamamahala ng basura.

Nagtapos ang aktibidad sa isang exit conference kung saan ibinahagi ng mga validators ang kanilang obserbasyon at puna batay sa mga dokumento at aktwal na pasilidad.

source: DILG Indang Field Office