Ipinaaalam po sa lahat na ang Tulay ng Saluysoy na nag-uugnay sa Barangay Alulod at Kaytapos ay pansamantalang isasara sa mga sumusunod na petsa at oras:
Agosto 5 at 6, 2025 (Martes at Miyerkukes)
9:00 AM hanggang 3:00 PM
Dahilan ng Pagsasara:
Pagkakabit ng Cage Bar para sa Bored Pile Construction
Pinapayuhan ang lahat ng motorista at mamamayan na gumamit ng alternatibong ruta at magplano ng biyahe upang makaiwas sa abala.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa para sa ikauunlad ng ating imprastruktura.

