Tuwing buwan ng Enero ang Pamahalaang Bayan ng Indang ay nagsasagawa ng Business One-Stop Shop (BOSS) para sa pag-aapply ng mga kaukulang permit.
Narito ang mga bilang ng mga nag-apply ng Business Permit mula noong ika-2 hanggang ika-31 ng buwan ng Enero taong kasalukuyan.
General Businesses: 1,863
Indang Public Market: 411
Sa kabuuang bilang na: 2,274
Tricycle Permit: 1,010
Patuloy ang pag-iikot at inspeksyon ng mga kawani ng Joint Inspection Team (JIT) upang masiguro na ang mga negosyo sa ating bayan ay may kaukulang permit.
Ang Pamahalaang Bayan ng Indang ay lubos na nagpapasalamat sa ating mga kababayan sa patuloy na suporta at makakaasa kayo na patuloy na magbibigay ng maayos, epektibo at makabuluhang serbisyo.