Congratulations MUNICIPALITY OF INDANG! SGLG Awardee.

Isang malaking karangalan para sa ating Pamahalaang Bayan ang makabilang sa mga ginawaran ng Seal of Good Local Governance mula sa Dept. of Interior and Local Government sa taong ito.

Tinanggap ng ating ama ng bayan ang parangal, na siyang nanguna at nagsikap upang makamit ang karangalan para sa ating bayan, Mayor Perfecto V. Fidel, kasama ang ating katuwang na Indang DILG MLGOO Mam Kimberly Anne Babaan.

Para po sa ating bayan at sa bawat Indangeño ang karangalang mapabilang sa mga natatanging munisipalidad at mga lungsod na nagkamit din ng mga parangal mula sa DILG.