1. Kasalukuyan po na palabas na ng PAR si bagyong Kristine subalit maaring magdulot padin ng panakanakang pagbuhos ng ulan at hangin ito dahil sa laki ng kanyang sakop ayon sa huling bulletin po na inilabas ng DOST-PAGASA kanina.
2. 90% ng mga lugar sa bayan ng Indang ay walang kuryente sa ngayon.
3. 70% ng mga lugar sa bayan ng Indang ay walang tubig sa ngayon.
4. Ang kalahatang sitwasyon ng kaayusan at kapayapaan ay maayos batay sa report ng INDANG PNP, patuloy silang nakabantay at nagbibigay ng seguridad sa ating bayan.
5. Ang mga pangunahing kalsada papasok at palabas ng bayan ng Indang ay nadadaanan at walang nakahadlang.
6. Patuloy ang mga clearing operations at pagresponde ng ating mga Brgy. Officials, MDRRMO, BFP, MSWD, RHU at ang LGU.
7. Nagkaroon po ng pagpupulong sa pangunguna ni Mayor Pecto Fidel ang mga opisyal ng ating lokal na pamahalaan upang talakayin ang sitwasyon at makagawa ng mga kaukulang hakbang upang matugunan ang mga naging pinsala sa ating bayan.
Manatiling ligtas padin po at umantabay sa mga susunod na abiso mula sa ating mga kinauukulan.