AgriUpdates: Ang Department of Agriculture-Bureau of Animal Industry (DA-BAI) at Municipal Agriculture Office katuwang ang mga eksperto mula sa Cavite State University BRITE Center na sina Director Michele T. Bono at Dr. Dickson N. Dimero ay matagumpay na naisagawa ang “Hands-on Training on Stingless Beekeeping cum Distribution of Stingless Bee Modules through the National Urban and Peri-Urban Agriculture Program”. Naimbitahan din si Hon. Perfecto V. Fidel, ang Municipal Mayor ng Indang upang magbahagi ng kanyang paunang mensahe sa lahat ng mga makakatanggap ng Stingless bees.
Ang bawat piling magsasaka mula sa Indang, Alfonso, Silang at General Trias, Cavite ay nabigyan ng tig-limang colonies ng stingless bees, isa na three-layer box, isa na hive tool at isa na bee veil.
Ang aming tanggapan ay buong pusong nagpapasalamat sa Department of Agriculture-Bureau of Animal Industry, National Urban and Peri-Urban Agriculture Program (NUPAP) Technical Working Group (TWG) sa pagkakataon na maging bahagi ng programa ang mga magsasaka sa bayan ng Indang.
Photo credits: MAO-FITS Center Indang, Cavite