Ang ating bayan ay kabilang sa ilan sa natitirang rural at mayaman pa sa kultura at kalinangan na lugar sa ating lalawigan, ang ating mga mamamayan ay kilala sa pagiging matulungin at maawain, makatao at mapagbigay. Dahilan dito ang pagkakaroon ng ibat-ibang sitwasyon at mga dayuhan sa ating pamayanan. Lubos ang pagkilala at paggalang ng ating pamahalaang bayan sa kultura at karapatan ng bawat isa. Ngunit higit sa lahat ang pagsasaalang-alang sa kaayusan at kapayapaan ng ating bayan. Ginagawa po ng ating mga ahensya ng pamahalaan ang lahat upang matugunan ang mga sitwasyon sa atin dulot ng mga nanlilimos at tumitigil sa ating mga pampublikong lugar. Subalit may mga proseso at patakaran po tayo na kailangan din isaalang alang at sundin. Kaya’t mas higit po sa ating pagtutulungan at pagiging alerto nakasalalay ang pagtugon sa mga sitwasyon na ito. Katuwang ang ating mga lokal na opisyal sa ating mga barangay, nais din po natin na hingin ang tulong ng mga pribadong establisyimento at mamayan sa paggabay sa bawat isa.
https://www.officialgazette.gov.ph/…/presidential…/