Bilang tugon sa matinding epekto ng habagat na pinalala ng mga bagyong #Crising, #Dante, at #Emong, bumisita sina Mayor Vergel Fidel at Vice Mayor Ferdinand Papa sa mga kababayan nating binaha upang alamin ang kanilang kalagayan at agad na maiparating ang kinakailangang tulong.

Kasabay nito, patuloy ang clearing operations at unclogging ng mga kanal sa iba’t-ibang bahagi ng bayan. Katuwang sa mga gawaing ito ang mga kawani mula sa Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine National Police (PNP), Municipal Engineering Office (MEO), at Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO).

Samantala, ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), sa pakikipagtulungan ng General Services Office (GSO), ay masigasig na naghahanda ng food packs para sa mga apektadong residente. Nagbigay rin ng family food packs ang DSWD Provincial Office bilang karagdagang suporta.

πŸ“’ Paalala sa lahat:

Maging alerto at ligtas ngayong panahon ng bagyo. I-monitor ang opisyal na anunsyo mula sa lokal na pamahalaan at agad na mag-evacuate kung kinakailangan.

Narito ang #indangemergencyhotlines :

β€Ž- MDRRMO: 09619921998 / 09526529265

β€Ž046-4339220

β€Ž- MUNICIPAL COMMAND CENTER: 046-4040183

β€Ž- MUNICIPAL FIRE STATION: 046-4151217 / 09156034245

β€Ž- MUNICIPAL POLICE STATION: 09491849145 / 09159137693 09985985603