Sa patuloy na banta ng Bagyong Crising, buong pwersa ang Lokal na Pamahalaan ng Indang sa pagpapatupad ng mga hakbang para sa kaligtasan ng bawat IndangueΓ±o.
Maaga pa lamang ay sinimulan na ang repacking ng relief goods upang agad itong maipamahagi sa oras ng pangangailangan. Kasabay nito, isinagawa ang clearing operations sa mga kalsadang may mga bumagsak na sanga at debris upang matiyak ang kaligtasan ng mga daanan para sa mga residente at response teams.
Bilang agarang tugon sa mga apektadong pamilya, binuksan ang evacuation center sa Poblacion 3 Covered Court, na kasalukuyang nagsisilbing pansamantalang tahanan ng 21 pamilya o 79 indibidwal na lumikas upang makaiwas sa panganib.
Sa pangunguna ni Mayor Vergel Fidel, katuwang ang mga barangay at ibaβt ibang ahensya, nakaalerto 24/7 ang buong pamahalaan upang masigurong walang maiiwan at walang masasaktan sa Bagong Indang.









