Pagbati sa isang matagumpay at makasaysayang pagdiriwang ng ika- 400 taon ng pagkakatatag ng parokya ni San Gregoryo Magno sa bayan ng Indang, Cavite. Pinangunahan ni Papal Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles Brown ang selebrasyon at seremonyas.
Kabilang dito ang Civic Reception Ceremony na isinagawa katuwang ang ating Pamahalaang Bayan sa pangunguna ng ating kasalukuyang butihing ama ng bayan, Mayor Perfecto V. Fidel at kanyang maybahay, mga sangguniang bayan members, mga department heads at kawani ng LGU ng bayan ng Indang, mga kapulisan, BFP, barangay officials at iba pang mga kasama na sektor ng ating komunidad.
Nakasama ni Archbishop Brown sa pagdiriwang sina Imus Bishop Reynaldo Evangelista at kura paroko Fr. Marty Dimaranan, gayundin ang mga pari ng diyosesis, mga mananampalataya at mga deboto.
Mabuhay po ang lahat ng organizers at mga punong abala mula sa pamunuan ng St. Gregory the Great Parish at sa lahat ng tumulong at naging katuwang upang maging matagumpay ang naturang selebrasyon.
Ilang larawan mula sa DZRV846 at St. Gregory the Great Parish.