Dalangin po natin ang isang ligtas at payapang pagobserba ng Semana Santa at panahon ng pagbisita sa mga kapamilya para sa pagtitipon at muling pagkakasama-sama.
Nakahanda po ang ating Pamahalaang Bayan upang umalalay sa mga bibisita sa ating bayan. At upang masiguro na maipatutupad ang kapayapaan at kaayusan ay magpapatupad ng mga karagdagang alituntunin ang ating mga Brgy. Officials sa kanilang mga lugar na nasasakupan.
Manatili po tayong ligtas at sundin ang ating mga kinauukulan.