Indangeños suportahan po nating ang mga Official Parol Entry mula sa iba’t ibang barangay ng Indang sa pamamagitan ng pag “LIKE” sa inyong pambatong parol.

Ang patimpalak na ito ng Liga ng mga Barangay ng Indang ay may temang “Nagkakaisang Barangay at Pamayanan: Tunay na Liwanag ng Kapaskuhan”. Gaya ng nasabing tema, sama-sama at tulong-tulong ang inyong Sangguniang Barangay , Sangguniang Kabataan at Mamamayan ng bawat Barangay upang mabuo ang parol na syang sumisimbolo sa kani-kanilang pamayanan na yari sa mga sustainable at makakalikasang materyales.

Mayroon po tayong hanggang 1:00PM ng December 30, 2024 para bumoto. Halina at suportahan ang mga likhang tunay na Indang, Atin Ito!