Mahahalagang paalala mula sa Pamahalaang Bayan ng Indang para sa obserbasyon ng Undas 2024.

1. Siguraduhing ligtas at handa ang inyong mga pisikal na pangangatawan para sa inaasahang bugso ng mga tao na dadalaw sa mga sementeryo.

2. Siguraduhing maayos at ligtas ang pagkakasara ng inyong mga tahanan kung walang sinumang maiiwan dito.

3. Ang terminal para sa mga pampasaherong jeep at bus ay pansamantalang ilalabas sa ika-31 ng Oktubre hanggang sa ika-2 ng Nobyembre 2024 mula sa ating Indang Transport Terminal at ililipat sa mga sumusunod na lugar;

– PUB at PUJ patungo ng TRECE-DASMARIÑAS-IMUS-PASAY/PITX sa Bañadero bago dumating ang CvSU.

– PUJ patungong ALFONSO sa may INDANG PUBLIC MARKET.

-PUJ patungong NAIC sa may MSWD office along Indang – Naic Road.

– PUJ patungo ng MENDEZ-TAGAYTAY-OLIVAREZ sa tabi ng garahe ng Celyrosa Express makalampas ang kanto ng Kayquit.

4. Mayroon po tayong apat na Public Assistance Desk na nakatalaga sa 4 na pangunahing mga lugar kung saan mayroon tayong mga pampubliko at pribadong sementeryo. ( Brgy. Poblacion 3, Poblacion 4, Daine 2, Guyam Malaki ) upang umalalay at tumugon sa ating mga kababayan sa pagpunta sa ating mga sementeryo.

5. Sundin ang mga alituntunin ng LIGTAS UNDAS 2024 mula sa ating Indang Municipal Police Station.

6. Ipunin ang mga basura sa tamang lagayan. Iwasan ang pagtatapon sa kung saan saan lamang sa loob at labas ng sementeryo. Maging responsable po tayo at bigyan ng sapat na atensyon ang kalinisan at kaayusan ng ating kapaligiran sa panahon ng ating paggunita sa ating mga mahal na yumao.