OCTOBER 24, 2024
1. Inaasahan ang patuloy na pag-ulan at pagbugso ng malalakas na hangin sa mga susunod na oras batay sa huling bulletin po na inilabas ng DOST-PAGASA.
2. 97% ng mga lugar sa bayan ng Indang ay walang kuryente sa ngayon.
3. 77% ng mga lugar sa bayan ng Indang ay walang tubig sa ngayon.
4. Ang kalahatang sitwasyon ng kaayusan at kapayapaan ay maayos batay sa report ng INDANG PNP, patuloy silang nakabantay at nagbibigay ng seguridad sa ating bayan.
5. Ang mga pangunahing kalsada papasok at palabas ng bayan ng Indang ay nadadaanan at walang nakahadlang.
6. Patuloy ang mga clearing operations at pagresponde ng ating mga Brgy. Officials, MDRRMO, BFP, MSWD, RHU at ang LGU.
7. Pinapayuhan na manatili lamang sa loob ng mga tahanan ang mga menor de edad at ilang kabataan na walang mahalagang lakad o kailangan sa labas upang mabawasan ang posibilidad na masaktan dulot ng panahon.
Manatiling ligtas at umantabay po sa mga susunod na abiso mula sa ating mga kinauukulan.
Nakaantabay po ang ating LGU at mga sangay na ahensya sa pangunguna ni Mayor Pecto Fidel, sa lahat ng kaganapan patungkol sa epekto ni Typhoon Kristine.