Kasalukuyan na itinaas sa ORANGE ALERT LEVEL ang lalawigan ng Cavite. Nangangahulugan po ito na makakaranas ng mas malalakas na pag-ulan ang ating lugar, pinapayuhan ang mga nasa kritikal na lugar at maging ang kalahatan ng ating mga kababayan na MAGING HANDA sa anumang maaring maidulot na sakuna ng malalakas na pagbuhos ng ulan.
