Dahil sa patuloy po na paglalabas ng Volcanic Smog ng Bulkang Taal.

Minabuti na po ang pagsuspinde ng ating Pamahalaang Bayan sa mga pasok ng mga mag-aaral sa lahat ng antas, sa mga pampubliko at pribadong mga paaralan sa bayan ng Indang ngayong ika-19 ng AGOSTO 2024 upang masiguro ang kaligtasan ng ating mga kabataan.

Manatili po tayong ligtas at umantabay sa mga pahayag ng mga kinauukulan.