Ilang gabay para sa darating na selebrasyon ng Pistang Bayan sa darating na Mayo 11 hanggang Mayo 12, 2024.1. Mga kaganapan at aktibidad na makaaapekto sa daloy ng trapiko sa bayan ng Indang.
1. Parada ng Karakol – May 11, 2024 araw ng Sabado ganap na ika- 3:30 PM.
2. Araw ng Kapistahan – May 12, 2024 araw ng Linggo
3. Prusisyon – May 12, 2024 araw ng Linggo ganap na ika- 6:00 PM.
4. Prusisyon ng Pitong Arkanghel – May 14, 2024 araw ng Martes ganap na ika- 7:00 AM.
2. Ilang pagtatalaga ng mga pansamanatalang ONE WAY Street sa loob ng Poblacion Area batay sa resolusyon ng mga Barangay na nakasasakop dito upang maiwasan ang pagkakabuhol ng trapiko.
3. Paghihikayat na ipagbawal ang pagparada sa mga lansangan sa Poblacion Area ng mga sasakyan.
4. Gamitin ang mga itinakdang DESIGNATED PARKING AREA para sa mga bisita at magsisimba, at sundin ang DROP-OFF at PICK-UP sa mga designated area routine para maiwasan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko.
5. Pansamantalang ililipat ang PUBLIC TRANSPORT TERMINAL sa labas ng Poblacion Area para makabawas sa inaasahang mga aktibidad ng simbahan.
6. Maliban sa mga (TODA) TRICYCLE na mananatili sa kanilang Terminal.
7. Kung maari ay gumamit ng alternatibong ruta ang mga sasakyan na patungo sa ibang mga lugar upang makaiwas sa inaasahang pagsisikip ng trapiko sa Poblacion area.
8. Panatilihin ang kaayusan at pag-iingat para sa maayos at mapayapang pagdiriwang ng Pista ng Bayan
Maraming Salamat po.