Mainit na pagtanggap ang isinalubong ng ating mga kanayon sa ating mahal na Sen. Robin Padilla sa kanyang pagbisita sa bantayog ni Gat. Andres Bonifacio dito sa Brgy. Limbon, Indang, Cavite bilang paggunita sa kamatayan at kabayanihan nito.

Pinangunahan ni Mayor Pecto Fidel at Kapitana Emy Sarmiento at mga Brgy. Officials ng Brgy. Limbon, kasama si PMaj Edward Cantano ng Indang PNP, ang pagsalubong kay Sen. Robin Padilla.