Kasalukuyang nagaganap ang Medical and Dental Mission sa ating bayan, sa pakikipagtulungan nila Cong. Ping Remulla at BM Abeng Remulla, ng ating Pamahalaang Bayan sa pangunguna ni Mayor Perfecto V. Fidel, katuwang ang mga volunteers mula sa Gangneung Medical Mission Team sa pamumuno naman ni Dr. Kim Namdong at Dr. Park Ikhyeon.

Buong araw po nakatakda na maghatid ng mga serbisyong medikal at dental ang ating mga kaibigan mula sa Gangneung, South Korea sa araw na ito.

Mayroon din po na libreng gupit para sa ating mga kababayan.