Ginanap ang Oath-Taking Ceremony para sa mga bagong halal na Sangguniang Kabataan Officials ng ating 36 na barangay. Pinangunahan ng ating butihing Mayor Perfecto V. Fidel, Vice Mayor Ismael dM. Rodil at mga Sangguniang Bayan Members, kasama ang ating MLGOO Aladino Calanog ang ginanap na seremonya. Mensahe ng pagasa at hamon ng tapat na pagsisilbi sa ating bayan ang ibinigay ni Mayor Pecto Fidel para sa ating mga kabataan.