Matagumpay na nakapagtapos ang tatlumpung (30) kababaihan at dalawang (2) kalalakihan mula sa Samahan ng mga Kababaihan ng Mahabang Kahoy Cerca at Agus-os OFW Association sa Batch 2 ng “Knowlegde Sprouts: Gender Responsive Training on Urban Agriculture for Sustainable Living” na ginanap noong ika-30 ng Hulyo 2024. Ang pagsasanay ay ginanap sa Multi-purpose Hall ng New Municipal Building- Indang, Cavite.

Namahagi ang aming tanggapan ng ilang mga Information, Education at Communication (IEC) Materials patungkol sa Urban Agriculture. Nakatanggap din ng mga panimulang materyales ng SNAP Hydroponics ang dalawang samahan.

Layunin ng pagsasanay na ito ay maging bahagi ang mga kababaihan sa iba’t-ibang gawain sa agrikultura na magbibigay sa kanila ng dagdag kita para sa araw-araw na pangangailangan at makamit ang pagkakapantay-pantay sa lipunan.

#FITSIndang#AgriIndang#IndangAtinTo#GADTraining#UrbanAgriculture

– Municipal Agriculture Office – FITS Center Indang, Cavite – Facebook